I don't have much time lately... The following is an e-mail of a good friend, Glen... (the one wearing polo diagonally striped with gray and black lines...
Sabi ko sa isang kaibigan, “kailangan nating harapin ang katotohanan, kahit ito’y masakit, kahit pa madurog nito ang ating puso at buong pagkatao” napakadaling sabihin, pero napakahirap gawin…sa dalawapung taon kong nabubuhay sa tinatawag na mundo, sabi nila dapat daw maging masaya na ko, dahil halos lahat ng bagay nasa akin, nandyan ang napakasaya at mapagmahal na pamilya, may kaya kami sa buhay, matalino, gwapo at maraming kaibigan. Pero minsan itinanong ko sa sarili ko, paano kung hindi ako napunta sa pamilyang kinabibilangan ko, kung hindi ako naging may kaya, kung hindi ako naging matalino, may kaibigan kaya ako? Maraming mga tanong sa isip ko, na hanggang sa ngayon hindi ko pa rin masumpungan ang mga kasagutan….isa na nga rito kung dapat nga ba kong maging masaya sa kung anong meron ako ngayon?
Marami nang naging bahagi ng buhay ko, mga kaibigan kung tawagin, pero karamihan sa kanila, ginamit lang ako, inabuso kung anong meron ako, inabuso ang kabaitan ko. Oo, ako si Glenn na manlalait, maraming kahinaan, pero lahat ng mga nakadugtong sa buhay ko na mali , pinipilit kong balutan ng magagandang gawain. Pero hindi nila alam yun, tanging ako at ang nasa itaas ang piping saksi sa mga bagay na yun. Ang tanging nakikita ng mga taong nakapaligid sa akin ay ang mga kahinaan ko. Kahit pa ang mga taong malalapit sa akin, puro ang mga mali ko lang nakikita.
Si Glen, kilala yan bilang matatag, matapang, pranka, manlalait, mayabang…ano pa ba? Magtanong ka sa mga taong nakapaligid sa kanya, ang sasabihin nila sa’yo. “si Glenn???" bakla ‘yan, malambot, maarte, manlalait, mayabang, masama ugali, ano pa??? marami pa, alam ko un…nararamdaman ko yun..sino ba sila para husgahan ako??? Lahat ba ng nakikita ng mata, tama? Lahat ng nadidinig ng tainga, tama? Karamihan sa tao, kahit pa mga taong itinuring kong kapatid ko, kapuso at kapamilya, mariringgan mo nyan.. ano bang tama sa mundo? Magsalita ka, mali ! Tumahimik ka, mali ! Ano pang tama??? oo, gasgas na, na ako lang nakakakilala sa sarili ko, pero un ang totoo!
Ngayon??? Ano nararamdaman ko??? Masakit, hirap na hirap, hinang-hina…hindi ko alam kung sino dapat kausapin, hindi ko alam kung sino makakaintindi sa akin, wala na yatang kayang umintindi sa akin??? Kahit pa yung tinatakbuhan ng lahat, hindi rin naman magsasalita! nandun lang sa krus, nakatingin sa'yo...Saan ko ilalagay ang sarili ko, saan ako magsisimula??? Saan ako pupunta???? Saan? Hirap na hirap na ko! Walang kayang umintindi sa totoong nararamdaman ko. Walang akong tinatago sa sarili ko, wala akong tinatago sa ibang tao, kung ano ako, yun na yung pinapakita ko! Gusto ko ng mamahinga…pagod na pagod na ko...gusto ko ng mamatay….

Need I say more about the title?
No comments:
Post a Comment